Join the forum, it's quick and easy

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Lihim na Pagtingin

Go down

Lihim na Pagtingin Empty Lihim na Pagtingin

Post by khars Fri Oct 29, 2010 3:05 am

Lihim na Pagtingin
by:khars

Noong una'y ikaw nagtataka
kung sino ang magandang dilag na iyong nasilayan
na pumukaw sa iyong atensyon
at bumighani sa iyong puso

Ngunit hanggang tingin ka na lamang
dahil ikaw ay may kasintahan
gisto mo man sabihin ang iyong nararamdaman
ito'y tinago at ikinubli na lamang

Ika'y masaya kapag siya ay kasama
ngunit kaibigan mo'y may pagtingin sa kanya
kaya iyong ipinaubaya ang babaeng hinahangad
at ikinubli ang iyong nararamdaman para sa kanya

Sa tuwing nagkakasama kayo
tanging tingin at ngiti na lamang ang iyong hatid
dahil siya'y masaya na sa piling ng iba
at tanging maaring maibigay niyo sa isa't-isa ay pagkakaibigan lamang

Nang siya'y lumuha ang tanging nagawa ay tumahimik na lamang
dahil hindi alam kung paano ang gagawin
tanging pagiintindi at pakikiramay ang nagawa
pero ikaw mismo nalulungkot para sa kanya

gusto mo man sabihin ang iyong nadadarama
hinayaan mo na lang ito'y maging lihim
dahil ika'y mayroong masmahal na iba
tanging lihim na pagtingin na lang ang iyong nagawa

ngunit sa di inaasaang pagkakataon
ang iyong tinatangi noon
ay biglang nawala
at naglaho na parang bula

muli kayong nagkakasama
at ika'y nagiging masaya
ngunit ksabay ng iyong galak na nadadama
ang iyong damdaming nanunumbalik

kayo'y madalas ng naguusap at nagkakasama
at iyong nadadama gusto ng iwaksi
ngunit hindi alam kung paano
at hindi alam kung san kukuha ng lakas ng loob

nang magkaroon ng pagkakataon
bugso ng damdamin ay hindi napigilan
at ito'y winaksi
at inamin sa kanya

ngunit may pangangamba
sa magiging tingin ng iba
pero ika'y dedma sa kanila
dahil iyong hahamakin ang lahat para lamang sa kanya
khars
khars
Officer
Officer

Posts : 104
Join date : 2010-09-08
Age : 33
Location : San Fernando, La Union

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum