Join the forum, it's quick and easy

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

my own view to happiness

Go down

my own view to happiness Empty my own view to happiness

Post by maestro3se Tue Sep 21, 2010 8:45 pm

kaligayahan...ito ang hangad ng lahat ng tao sa mundo, at kabilang na ako. minsan madaling hanapin ang kaligayan, minsan nmn parang isang karayum sa gitna ng tumpok ng dayami, mahirap hanapin. ang kaligayahan ay nahahanap sa mga bagay, gaya ng pera, damit, alahas, at kung ano ano pang materyal na bagay. ang iba nmn ay nahahanap sa mga naganap na pangyayari. bihira lang ang mga taong sumasaya sa mga alaala lang. ang iba nga siguro sa knila ay hindi na makabalik sa tunay na mundo, jejeje. uu tama, mga baliw nga ang tinutukoy ko. baliw na sa baliw pero masaya nmn sila e. kahit sa gawa gawa nilang mundo.

pero ang siguro ang pinaka pangunahing dahilan kung bakit sumasaya ang isang tao ay sa kapwa din nyang tao. pero minsan ito din ang nagdudulot ng pinakamasakit na pakiramdam, siguro kakambal lang ng kaligayahan ang hinagpis at sakit ng damdamin.

ang pagmamahal sa isang tao ay nagdudulot ng sobrang kaligayahan na ang iba nga e sinasabi pang, "shit nasa langit na ata ako!". totoo nmn kc un. lalong lalo pa kung ang taong mahal mo ay mahal ka din. iba din talaga ang saya. minsan nga e di ka na makakain sa sobrang saya, minsan ay nakakagawa ng kakaibang mga bagay dahil sa inspirasyong binibigay nya. nababago din ang ugali mo kung minsan dahil sa kanya, nakakaiwas ka sa mga dati mo ng ginagawa, gaya ng sobrang pagkaadik sa mga online games, bisyo, gaya ng alak at yosi. pero ang masama e kung nagbago ang ugali mo na nakakasakit kana ng ibang tao. pero meron talagang ganon. kaya minsan kailangan ding tantsahin ang pagmamahal mo. kung nakakasakit ka na ng ibang tao dahil sa pagmamahal, hindi na landas ng kaligayahan ng babagsakan mo.

...kaligayahan...minsan nandyan lang, minsan wala, minsan pinagtataguan ka din. nakakaasar na nga din kung minsan at kung kailan handa ka ng maging maligaya e hindi nmn dumadating ang ligayang gusto mo. pero hindi mo ba naiisip na minsan masaya ka na pero hindi mo lang napapansin? kasi minsan hindi mo nmn kailangan ng kahit ano para maging masaya ka e, kaligayahang walang rason, parang baliw lang di ba? pero ok lang yun. minsan kasi kailangan mo din ang maging baliw kung minsan. hindi sa gusto mo, pero kailangan lang...n_n

-always be happy, in any way...rather than be lonely every passing day-


maestro3se
maestro3se
VIP
VIP

Posts : 30
Join date : 2010-09-16
Age : 37
Location : Bacnotan

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum